any

Isang Ampon, Tumanaw ng utang na loob sa mag-Asawang Kumupkop sa kanya


Isang lalaking ampon ang tumanaw ng utang na loob sa mga kumupkop, nag-alaga at tinuring syang parang tunay na anak.

May kasabihan tayo na ang taong hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan. Ang ibig sabihin nito ay kung ano man ang mga natanggap at mga natatanggap mong blessings ay marapat lamang na suklian natin ang mga taong tumulong sa atin na abutin kung ano man ang natatamasa natin ngayon.


Ang kasabihang iyan ay pinatunayan ni Jayvee Lazaro Badile II. Siya ay isang orphan o inampon noong bata pa lamang siya.

Sa kabila ng hirap ng buhay ng mga kumupkop sa kanya ay inampon parin sya ng mga ito at itinaguyod.


Itinuring syang tunay na anak ng mga ito at minahal na parang isang tunay na kadugo. Pinakain, pinaliguan, binihisan at pinag-aral ng kanyang kinalakihang mga magulang.

Ang kanyang foster mother ay isa lamang tindera at ang kanyang foster father ay isa namang porter.

Sila noon ay nanirahan sa Bocaue Bulacan na kung saan makikita sa inupload niyang video ang kahirapan na dinanas nila. Ang sabi nya sa video ay 28 na taon silang nanirahan at namuhay ng simple sa isang simpleng tahanan.


Sinabi nya sa caption na pinost nya sa kanyang socmed account ay,

When Nanay and Tatay adopted me, it wasn’t a good life. Nanay is a vendor, Tatay is a porter. Now that I have the chance to give back to them, I will make sure they will live their dreams better than what they could ever imagine”- saad ni Jayvee.


Tunay nga na nagsumikap si Jayvee at iyon ay nagbunga ng isang malaking blessings sa buhay niya. Ang blessing na yon ay nag angat sa buhay nila kasama ang pamilya na kumupkop sa kanya.

Sa ngayon ay nakatira na sila sa isang malaking bahay at sinasama niya ang kanyang mga magulang sa ibat ibang bansa tulad ng Australia, New Zealand at Dubai.

No comments