Grab Food Rider, Ibinigay na lang sa Fronliners ang Order sa kanya ng kanyang Customer dahil itinanggi ito


Isang Grab Food Rider ang naloko ng kanyang Customer, Umorder ito ng halagang 1,200Php halaga ng pagkain na kanyang inabunohan ngunit wala palang ganung pangalan sa lugar na binigay, kaya binigay nya na lang ito sa mga Frontliners sa naturang lugar.


Napakahirap din ang trabaho ng mga food delivery riders, dahil kadalasan ay naloloko sila ng mga client nila at nalulugi sila dahil inaabonohan pa nila ang mga order ng mga ito. Sinusuong pa nila ang lakas ng ulan, katirikan ng araw at may kumakalat pang pandemya ngayon.

Ibunahagi ni Jobert Quiambao, na parte ng Emergency Response Team sa Southside Fire and Rescue sa Makati ang naging karanasan ng isang Food Rider na nagtanong sa kanila ng direksyon patungo sa address na kanyang hinahanap.


Ngunit makalipas ang dalawang oras ay muli itong napadaan. Tinanong ito ni Jobert kung nahanap ba nitong rider ang address, itinanggi na hindi raw kilala doon ang umorder sa kanya ng pagkain at hindi na rin daw sinasagot ang kanyang tawag.

Naisip ng mga kasamahan ni Jobert na mag-ambagan na lang sila para mabili ang pagkain at para hindi naman masayang ang inabonohan ng rider.


Nung ibibigay na ng rider ang pagkain, tinanong ng rider kung Frontliners sila Jobert at Sumagot na 'OO' kaya binigay na lang ito ng rider sa kanila at hindi na pinabayaran.

Bilang pasasalamat ay inabutan ng lang ng goods ng Rescue Team ang Rider para kahit papaano ay may maiuwi ito sa kanyang pamilya.




Nalugi man itong Rider ngunit pinilit nya paring makatulong sa kapwa lalo na sa mga Frontliners.

No comments