any

Flight Attendant, Nagbenta muna ng Fishball habang wala pang Flights para makatulong pa rin sa kanyang Pamilya


Isang Flight Attendant ang nagbebenta muna ng Fishball habang wala pang Flights para kahit papaano ay makatulong pa rin sa kanyang pamilya

Malaki talaga ang epekto ng pandemyang ito sa ating buhay ngayon, maraming mga empleyado at mga businesses ang labis na naapektuhan. Kahit na paunti-unting ngayong binubuhay muli ang ekonomiya ng ating bansa, di maikakaila na marami pa ring mga empleyado ang nawalan ng kabuhayan kaya't kinakailangan nilang maghanap ng ibang pagkakakitaan.


Katulad na lamang ng flight attendant na ito ng Pan Pacific Airlines na si Lorrie May Parungao. Dahil siya ang breadwinner ng kanilang pamilya, naghanap siya ng ibang paraan na mapagkakakitaan habang pansamantalang walang mga ights.

At para masuportahan ang pangangailangan ng kanyang pamilya, nagtitinda na muna siya ngayon ng shball at mga pampalamig para kahit papaano ay mayroon pa rin siyang income.


Bahagi niya upang mainspire ang ibang tao na kinalakihan at nakasanayan na niya ang pagtitinda. Kaya naman kahit malayo na ang kanyang narating bilang isang ight attendant ay hindi niya ikinakahiya na bumalik siyang sa pagtitinda.

"Despite this pandemic that has affected employment worldwide especially the ying industry, nothing will stop me from continuing to look and provide the best for my family".- saad niya


Ang pagtitinda ng shball ang naging daan niya rin noon kaya siya ay nakapag ight attendant.

"Maraming salamat sa aking mga magulang na ako'y inyong minulat sa maraming kasanayan sa buhay na aking madadala saan man at kailanman."- dagdag pa nito


Aniya na hindi dapat ikinakahiya ang iyong pinagmulan upang marating at maabot ang iyong mga pangarap. Nawa'y magpasalamat pa sa kung anu man ang naranasan sa buhay, dahil ito ang nagiging daan upang maabot ang ating mga mithiin

Huwag rin nating kakalimutan ang ating pinagmulan dahil ito ang magtuturo sa atin sa mabuting daan

Godbless sa iyo Lorrie! Sana ay marami pa ang mainspire sa iyong kwento at tularan ang iyong kasipagan

1 comment: