any

Facemask Sharing sa mga Estudyante, Iniimbistigahan na ng DepEd


Iniimbestigahan na ng Department of Education (DepEd) ang nangyaring insidente sa graduation ng elementary sa Daet, Camarines Norte.

Ayon sa kumalat na video ay pinagpasa-pasahan ng isang guro ang iisang Facemask sa kanyang mga estudyante ng kanilang graduation ceremony.


Nangyari ang insidenteng iyon noong June 11,2020 sa Barangay ng Dogongan.

Ayon sa DepEd, natanggap nila ang report sa nangyaring insidente na kung saan ay nilabag nito ang minimun health standard at social distancing protocols ng naturang paaralan.


Sinimulan na rin ng DepEd Region 5 ang fact-finding investigation sa pamamagitan ng Division Investigation Committee (DIC).

Pinagpapaliwanag din ang mga taong sangkot sa nangyari sa graduation ceremony na pagpasa-pasa ng iisang facemask sa mga estudyante.

Binabantayan ngayon ng local DepEd COVID-19 Task Force ang mga batang kasama sa graduation.

No comments