any

Estudyante, Nagtapos ng Valedictorian dahil sa kanyang sipag sa Pagtatrabaho


Isang masipag na estudyante ang nagtrabaho ng Construction habang nag-aaral at nakakuha pa ng high honor dahil sa kanyang dedikasyon.


Nagkaroon ng magandang bunga ang pagiging masipag ni Michael Espanol ng Guesguesange, Pangasinan. Sa murang edad nya ay namulat na sa trabaho si Michael para lang makapag-aral. Ang kanyang Ama ay isang Mensahero na may 10,000Php sahod kada buwan at ang kanyang Ina naman ay isang mananahi ng damit.



Sa kagustuhan talaga mag-aral ni Michael ay pumasok ito ng Construction Worker, kumikita sya 250Php kada araw. Nagtatrabaho sya kapag walang pasok. Ginagawa nya daw ito para makatulong sa gastusin ng kanyang mga magulang.

Ginagamit nya ang kanyang kinikita sa pagbili ng Uniform at scholl supplies. Sya naging Valedictorian sa Guesguesangen Integrated School. Dahil din sa kanyang kasipagan ay sumali din ito sa mga extra-curricular activities habang nag-aaral.



Ibinahagi ni Michael ang kanyang pinagdaanan sa kanyang buhay. ayon sa kanya hindi rason ang pagiging mahirap para makapagtapos ng pag-aaral.

Gusto daw talaga nya makatapos ng pag-aaral para magkaroon ng magandang buhay at makatulong sa kanyang mga magulang. Proud naman ang magulang ni Michael sa kanya at nagpapasalamat ang kanyang ama dahil nakatapos ito ng pag-aaral dahil sa pagsisikap nito.

2 comments: