any

Estudyante, Naglalako sa Umaga at Gasoline Boy naman sa gabi, Makatapos lang sa Pag-aaral


Isang Estudyante ang nagpkita ng kasipagan, naglalako sa umaga at gasoline boy naman sa gabi para magkaroon ng pantustos sa kanyang pag-aaral.

Kailanman hindi naging hadlang ang kahirap sa taong may matayog na pangarap na nais abutin sa buhay. Isang College Student na ito ang patunay na sipag at tyaga ang kailangan para matustusan niya ang kanyang pag-aaral.


Nagpamalas ng abilidad si Christian Mark Magistrado, 28-anyos, 3rd year na sa kursong Bachelor of Secondary Education mula sa Albay.

Ayon kay Christian, inilalako nya ang mga tinda nya sa mga estudyante sa mismong pinapasukan nyang paaralan ng Daraga Community College, tuwing pumapasok sya sa umaga hanggang alas-9 ng gabi.


Pagtapos naman ng klase nya sa gabi ay hindi pa natatapos ang araw ni Christian, dahil didiretso naman sya sa pinapasukan nyang gasolinahan bilang gasoline boy hanggang alas-5 ng umaga.

Ang mga kinikita niya ay ibinabahgi niya at inaabot niya sa kanyang Nanay, tulong pantustos sa pagpapaaral ng kaniyang nakababatang kapatid at pandagdag sa pagkain ng pamilya.


Iniwan sila ng kanyang Amang namayapa na,kaya naman ay doble kayod siya sa pag-aaral at pagtitinda sa umaga at sideline naman sagabi.

Hindi matawaran at sadya nakaka antig ng damdamin ang kabutihan ni Christian, kaya naman hangang-hanga sa kanya ang mga guro niya lalo na si Helen Mesa na sobrang proud dahil di niya napapabayaan ang kaniyang pag-aaral kahit pa subsub ito sa trabaho.


"As a student imagine working day and night and preparation of the instruction materials is very impossible for him working 8 hours a day and attending his classes pero still an excellent student in terms of the performance in the school," - saad ni Mesa.

No comments