any

Digital Disbursement ng Second Tranche ng SAP, Sisimulan na sa susunod na linggo





Sisimulan na ng DSWD sa susunod na linggo ang Digital Disbursement ng second tranche ng SAP.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay sisimulan na nila ang digital disbursement ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) cash aid sa susunod na linggo.

Batay ito sa Memorandum of Agreement (MOA) na pinirmahan ng DSWD at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon kay DSWD Sec. Rolando Bautista, isasagawa ang digital electronic disbursement sa pamamagitan ng transaksyon sa banko o e-money accounts.

Kabilang sa e-bank partners ng DSWD ay ang GCash, PayMaya, Union Bank, RCBC, Starpay, at Robinsons Bank.

Sinabi naman ni Bautista na umabot na sa P52 milyon ang naipamahagi nila sa 9,391 waitlisted beneficiaries mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 1 at 3.

Nabatid na 11 lugar ang sakop ng ikalawang bugso ng SAP na kinabibilangan ng Region 3, maliban sa Aurora; National Capital Region (NCR); Calabarzon; Benguet; Pangasinan; Iloilo; Cebu Province; Bacolod City; Davao City, Albay Province at Zamboanga City.

19 comments:

  1. Paano po yung mga nagparegister nong mayo 18 na ang inilagay e sa cebuana kasi po wala kaming g cash or pay maya or bank account.saan po makakakuha ng 2nd trance? Salamat po sa reply

    ReplyDelete
  2. Kami po sa palawan express ang nilagay namin cash remittance po..sana pwede rin po don..please po..maraming salamat po.

    ReplyDelete
  3. Paano poh kmi makakakuha kht poh my form kmi wLa nmn poh kmi ntangap

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magregister online look for dswd for sap

      Delete
    2. tama po yung iba po palawanremmitance center ang nilagay to recieve or cebuana , pwede ba pong padala duon ang saf nila.

      Delete
  4. Kailan po Ang bigayan dto sa tanauan city po.

    ReplyDelete
  5. Eh paano po ako maam/sir.s FCB po yung bank ko po?

    ReplyDelete
  6. Sana po paki bilisan nman wla po ako nakuha 1st tranche almost 4mos napo wla work kasi.

    ReplyDelete
  7. Paano po sa BPI ACCOUNT KO(ATM) PWEDE PO DITO KO NA LANG MAKUHA SAP REMITTANCE KO.SALAMAT PO
    PAKI REPLY PO

    ReplyDelete
  8. Puede po bng authorization letter at id ang ipkta kng skling wla yng taong nklgay s sap form?lgu po ang pinili nya

    ReplyDelete
  9. Pleasant afternoon,Paano naman po kami mga single mom hindi Naka tanggap nung 1st SAP.?? HINDI PARIN BA KAMI MAKAKA KUHA AT THIS TIME.ABAH MAAWA NAMAN PO KAYO.OR BAKA NAMAN CORRUPT NG BARANGGAY NAMIN

    ReplyDelete
  10. Pano po ung LGU Lang nilagay pano po makunuha un??

    ReplyDelete
  11. Feeling mo khit saang banko payan maihulog pwde mo nman yang kunin Doon bastat my I'd ka Lang

    ReplyDelete
  12. kylan po vah sisimulan kc first week po vah ng july or 2nd week ng july sa totoo po dswd mtgal npo nmin hihintay yan gwa po ng nag gcq nga po dto sa ncr ie ndi nmn po nblik sa normal ung buahy nmin gwa ng sa ilang bwan po kmi ndi nka byad ng renta at ibng byrin kya sna po maibgy nio yang ayuda po wg nio sna kmi paasahin slmt

    ReplyDelete
  13. Sana po totoo na yan at Para maka hinga na kami Ng maayos. God bless us all

    ReplyDelete
  14. Next week ulit walang katapusan next week nakakasawa na. 👎👎👎👎

    ReplyDelete
  15. paano pu kya ung gcash ang nilagay pero dpa pla semi o fully verify ung acc. od po kya na ipa plawan nlng un?

    ReplyDelete
  16. kelan po b ang next WK palaging next WK po SNA po totoo n yang nextwk nio

    ReplyDelete
  17. Pano po yun Palawan Express po ang nilagay ko sa form ko?

    ReplyDelete