any

Dalawang Tsismosa, Kulong dahil sa paninirang Puri


Dalawang ginang, hinuli ng mga otoridad dahil sa pagiging tsismosa ng mga ito.

Karamihan sa mga nagkakalat nito ay ang mga matatanda o may mga edad na, na mahilig makipag-usap ng walang saysay o alingawngaw sa personal na buhay ng ibang tao.


Gayunpaman, kalaboso naman ang dalawang babae na sina Mary Grace Catapan, 21 at si Jhallyn Gequillo Varga, 35 na taga Barangay Sudlonon at Barangay Gairan, Bogo City, Cebu dahil sa pagiging tsismosa at paninirang puri sa ibang tao.

Matapos makatanggap ang mga otoridad ng go signal mula sa kinauukulan ay agad dinakip ang dalawang babae matapos pag-tsismisan at siraan sa isang group chat ang nagreklamong si Aileen (hindi niya tunay na pangalan).

Ayon sa ulat, napag-alaman kasi ni Aileen na simula pa noong taong 2017 hanggang 2018 ay sinisiraan na siya ng puri ng mga ito sa pamamagitan ng pag-uusap sa group chat.


“Ang among na discover nga group chat is almost two years nga group chat nga halos everyday ko nila libakon. Kay kon mag vacation mi, i-grab ang among pictures ibutang sa group chat unya i-malign. Nya naa pa toy giingon nga kabit ko. Basta dagha pa,” ayon kay Aileen.

(Ang aming natuklasang group chat ay halos dalawang taon nang group chat at halos araw-araw nila akong pinag-tsitsismisan. Kasi kapag nagbabakasyon kami, kinukuha nila ang mga larawan namin at inilalagay sa kanilang group chat at tsaka nila binibigyan ng malisya. Meron pa ngang sinabi doon na isa raw akong kabit at marami pang iba.) ayon kay Aileen.

Napag-alaman na ang dalawang babaeng tsismosa ay mga magulang ng mga batang nag-aaral sa isang paaralan sa Bogo City, kung saan ay nag-aaral din doon ang anak ni Aileen.

Ayon kay Aileen, nasa sampo ang bilang ng miyembro ng ginawang group chat nina Catapan at Varga at isa dito ay ang kumuha ng litrato na inilagay sa group chat upang pag-tsismisan ang kanyang pribadong buhay.

Ayon pa sa nadiskubre ni Aileen sa group chat, sinasabihan siya ng mga ito na mayroong problema sa utak at nagbanta pa sila na isisilid sa septic tank.


Inakusahan din ng grupo ang asawa ni Aileen na isang magnanakw at ginawang katatawanan ang kanilang larawan kung saan ay ini-edit nila ito at ginawang katuwaan ang larawan ng kanyang asawa.

hindi rin matanggap ni Aileen ang ginawa ng grupong ito matapos kunin ng mga ito ang larawan ng kanyang anak at lagyan ng hindi kaaya-ayang caption.

Dahil dito ay hindi na nagdalawang isip si Aileen na dumulog sa otoridad para mapagbayaran ang mga ginawa nilang paninirang puri sa kanya at sa kanyang pamilya.


Paliwanag ng Judge na si Ramon Daomilas Jr. nilabag ng mga ito ang Section 4 (c) ng Republic Act 10175 o tinatawag na Cybr Lbel.

Ayon pa dito, maaaring pagbayaran ng mga ito sa loob ng rehas ng anim na buwan hanggang dalawang taon, o di kaya ay magbayad ng multa.

Sa ngayon ay pinayagan ng Korte ng makapagpiyansa ng Php 36, 000 ang dalawang akusadong babae.

Maging babala sana ito para sa mga taong mahilig sa tsismis diyan, na hindi dapat manira ng buhay ng ibang tao. Baka magaya kayo sa dalawang mag-kaibigang ito.

13 comments:

  1. Sana mapulotan ng aral yan, dahil nangyari din sa akin yan, kaya ako ito mag Isa nalang sa buhay dahil sa mga salot na chesmosa.. Nakaka sira ng buhay ang mga yan..

    ReplyDelete
  2. Yung sakin eh inaasikaso ko palang, pag di ako inintindi sa brgy hall eh rekta agad sa prisinto, pwede na siguro slander, lol

    ReplyDelete
  3. Walang Matuto pag Hindi nssampulan,Kya dapat lng maparusahan ang mga taong mapanghusga Sa kapwA..

    ReplyDelete
  4. Maging aral Sana Ito Ng mga taong naninira dn Sa pagkatao ko,Kong nappanuod Nia MN 2 ngaun,mpulutan Nia Sana Ito Ng Aral..

    ReplyDelete
  5. Mind your own business nalang sana ayusin mo ang buhah mo bago ka makialam sa iba ...sana maawa si ailyn sa inyo at palabasin kayo alang alang sa mga anak ninyo ..lesson to learn

    ReplyDelete
  6. Skin nman napprint q ung pinsa nla n usapan nlang 2 s ibng tao...pwde q kyang gwing ebidensya un

    ReplyDelete
  7. Talaga naman nakakasira ng moral ang mapanirang ka chismisan. Sa halip umisip na Lang ng ikakaunlad ng buhay nila nagagawa Pa nila mag isip ng ikasisira ng iba. Magi aral yan sa lahat. Lahat ay may katapat na ligal na batas na haharapin ng sino man mag kasala.

    ReplyDelete
  8. Ayan maging babala sna to sa mga taong chismosa n gumagawa ng kwento.. Ndi man ito ang panahon pra s inyo dadating ang araw mkakatagpo kyo ng mga katapat nyo.. Kya kung ako s inyo maging masaya nlng kyo sa buhay ng bwat is a wag na kyo magsiraan..

    ReplyDelete
  9. Mabuti narin po yan para sa kanila para matuto & mabawasan mga pasaway..sa dami nga ng problema nakuha pa nilang manira ng kapwa..kung bago palang sana Baka pweding patawarin na lang muna.thank you po ..

    ReplyDelete
  10. Whaha dami nya pati sa ibang bansa kapwa mo pinoy ganyan ugali

    ReplyDelete
  11. Salot naman talaga sa lipunan ang mga tsismosa,mapanghusga ng kapwa na wala naman katotohanan tsinitsismis nila. Muntik na ako nakapatay noon buti naalala ko parin si Lord at mga anak ko at narealized ko na di ko dapat ibaba ang pagkatao ko sa kanila. Muntik na nilang nasira ang pamilya namin, buti nakinig din ako sa asawa ko na wag ako bibitaw,expect ko naraw na may maninira sa amin at mga taong inggit lang daw ang mga yun sa akin dahil nga nasa US sya.

    ReplyDelete
  12. Dito samen my chismosa kayah lang ang issue magtitang menorde edad age 15 and 16 ..gumawah ng kwento parah lang kasuhan ung kapatid ng asawa ng tita nia ,kunwari sinisiraan sya ng puri kahit hindi naman.nkakaawa lang kase nga bata ung gumawa ng kwento tamang salita lang nila ang pinaniniwalaan ni walang testigo.samantalang ung pinagbibintangan nila single mother at kaptid na buntis.pano ang hustisya sa ganong kaso.nkakaawa naman ung magkapatid na inaakusahan tahimik lang sa buhay tpos biglang guguluhin ng magtitang menorde edad na lagi sa brgy.dhil sa kung ano2 nirereklamo.tama bang panigan ng batas ang gnon.wlang ebidensya oh testigo tamang salita lang.malalakas ang loob kc nga mga bata lagi panakot hindi cla mkakasuhan kc nga daw mga minor.

    ReplyDelete
  13. Bagay tlga sa mga tsismosa ang ipakulong para doon narin sila mag tsismisan.

    ReplyDelete