any

Dalawang batang kalye, Nagsauli ng napulot nilang Wallet



Dalawang batang kalye ang nagsauli ng napulot nilang wallet na may lamang pera.

Napulot ng dalawang batang ito ang isang wallet na naglalaman ng pera at driver license ng may-ari.

Ibinigay nila ito sa isang guwardya para maisauli ito sa may-ari at pabiro pang sinabi ng dalawang bata ay "Kuya wala kami binawasan dyan".


Sa murang edad ng dalawang bata, marunong na silang magpakita ng kabutihan, sa hirap ng buhay ngayon siguradong di nakakakain ng maayos ang mga ito ngunit tumatak pa rin sa isip nila na isauli ang napulot nilang wallet.


Ayon sa post ni Xer Yoker, sabi daw ng mga bata ay hindi naman daw kanila yung wallet kaya nila ito isasauli.

Dahil sa ginawa ng dalawang bata ay maraming netizen ang bumilib sa kanilang ginawa.

2 comments:

  1. God bless both of you hope pagpatuloy nyo ginawa nyo kabutihan sa kapwa...

    ReplyDelete
  2. God Bless you Boys..! continue for being honest and not taking advantage to anyone .. God watches over you and one day your going to have a beautiful and bounty life!

    ReplyDelete