any

Dakilang Ama, Karga ang anak habang nagtatrabaho para may pambili ng gatas


Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang ina ang naiiwan sa tahanan para mag-alaga at magbantay sa mga anak nito habang naghahanap buhay naman ang ama para may makain ang pamilya.

Bihira lamang na makikita ang isang ama ang naiiwan para mag-alaga ng mga anak na kadalasan ay trabaho ng mga butihing ina.


Gayunpaman, kinabiliban ang isang ama na karga-karga nito ang kanyang anak sa kanyang likuran habang sya ay nagtatrabaho.

Umani ng papuri sa Social Media ang ginawang pagpupursigi ni Vinz Manalo para maitaguyod ang pangangailangan ng kanyang pamilya kahit mahirap ang kanyang sitwasyon.

Kahit umano abala si Vinz sa kanyang ginagawa sa kusina ay nagagawa pa rin nitong alagaan ang kanyang anak na sanggol.


Ayon kay Vinz, kailangan munang magtiis ng kanyang anak dahil kailangan niyang magtrabaho para may pambili ito ng gatas.

"Kapit lang anak ko, kailangan lang talaga magtrabaho no Papa mo para may pambili ng gatas mo"- saad ni Vinz

Sinamahan ng asawa ni Vinz ang kanilang pangalawang anak para magpa-Checkup, walang ibang mag-aalaga sa kanilang anak kaya habang sya ay nagtatrabaho, inaalagaan nya rin ang kanyang anak.

No comments