Dahil sa 4Ps, Nakapagtapos ang babaeng ito at ngayon ay Ganap ng Lisensyadong Guro


Isang babae, nakapagtapos ng pag-aaral at ngayon ay ganap ng guro dahil sa tulong ng Programang 4Ps.

Sa panahon ngayon napakahirap kumita ng pera at nagkaroon pa ng pandemya kaya malaking tulong sa bawat pamilya na kasali sa programa ng DSWD na Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.


Dahil sa programang ito, nakamit ng isang ng dalagann ito ang pinapangarap nyang maging lisensyadong Guro.




Siya si Mariemel Domingo, kabilang ang kanyang pamilya noon at dahil dito ay natulungan sya upang makapagtapos ng pag-aaral. Libre ang naging kanyang matrikula at mayroon ring nakalaang pera para naman sa kanyang mga libro.

Ang kanyang Ama ay isang Tricycle driver at ang kanyang Ina naman ay nananatili lamang sa bahay para asikasuhin sila.

Nang makatapos ng kolehiyo si Mariemel, binayaran din ng ahensya ang review center kung saan sya nag-enroll bago ang kanyang Board Exams.



Malaking bagay sa kanilang pamilya ang pagtatapos ni Mariemel, dahil makakahanap na ito ng magandang trabaho at kalaunan ay maiahon ang pamilya sa kahirapan.


Ngayon ay ganap ng Lisensyadong Guro si Mariemel, isa lang itong patunay na may magandang napaututnguhan ang suporta ng ahensya para sa mga katulad nilang kapos-palad.

Hiling ni Mariemel na magpatuloy pa ang ganitong programa, lalo na sa mga batang may pangarap ngunit salat sa buhay at walang kakahayahang pakapagtapos.

1 comment: