any

Batang Nagtitinda ng Kamote Cue, Isinauli ang napulot nitong Cellphone at ATM


Isang batang nagtitinda ng kamote cue ang nag-sauli ng napulot nyang cellphone at ATM.

Sa post ni Jam Loresto, Ibinahagi nya ang kabutihang loob ng isang batang babae na nagtitinda ng kamote ng isauli sa kanya ang nawawala nyang cellphone at ATM.

Ayon kay Jam, hindi na sya umaasa pa na maibabalik ang gamit. Sa pagkakatanda nya, ito ay naiwan nya sa simbahan at alam nyang maraming tao dun na pwedeng nakapulot ng kanyang gamit.


Sobra syang nagpapasalamat ng puntahan sya mismo ng batang si Donna Mae Aguilar dose anyos sa kanilang bahay upang isauli ang napulot nitong cellphone at ATM na pag-aari nya.


Sa sobrang tuwa ni Jam ay binigyan nya ito ng mga damit at pinakyaw nito ang tinda ng bata.

Napag-alaman din ni Jam na wala ng ama at ina ang bata.Lola at kapatid na maliit na lang ang kanyang kasama sa buhay.

"Sya si Donna Mae Aguilar o mas kilala bilang si "ganda", nakatira sa may tulay ng brgy Banuyo,Pilar,Sorsogon (Bikol) .12 years old,nag-aaral sa Binanuahan, Elementary, School. Ito yung batang nakapulot at nagbalik ng cellphone ko ng naiwan ko sa may simbahan. Sobrang importante sakin yun😁 pero Di na ako umasa na makakabalik kasi andaming tao nung time na yun kaya sobra akong nagpasalamat nung naisauli sakin." saad ni Jam

6 comments:

  1. God bless you Donna anak.pagpapalain Ka Ng Diyos aahon Ka sa hirap Ng buhay.dahil may takot Ka sa Diyos.

    ReplyDelete
    Replies
    1. An honest young girl Donna Mae!💖 Pagpalain ka ng Diyos.Youre an inspiration.💯😊👍

      Delete
  2. Ang kabutihan ng puso kailanman ay pinagpapala ng Dios..sa tamang panahon donna aanihin mo ang ginawa mong kabutihan..ipagpatuloy moyan at dka pababayaan ni Lord Jesus..

    ReplyDelete
  3. Sana my mka kakita n.mas n.mbubuting loob para din.mtulongan ang bta na mas n nangangailangan ng kaagapay ngayon . Para mabuhay ng maayos . .
    I pray for you ganda. .
    Pagpalain k ng my kapal

    ReplyDelete
  4. bait ng bata. sana marami pang katulad mo.ang tanong panu nalaman ng bata kung sino mismo ung may ari at ang bahay nito

    ReplyDelete