any

Angkas Rider, Nagpaluwal ng 7,000Php halaga ng Gamot, Kinancel lang ng kanyang Customer


Isang Angkas Rider ang matyagang pumila para lang mabili ang lahat ng pinabibili ng kanyang customer, Ngunit kinancel ito dahil daw medyo natagalan ang rider sa pagbili.


Upang maiwasan ang pagkalat ng CoVid-19, ang mga establisyemento at iba pang mga tulad nito ay mahigpit na ipinapatupad ang social distancing.

Dahil dito ay nagkakaroon ng mahabang pila sa pagbili ng mga pagkain at iba pang pangangailangan katulad ng gamot. Minsan ay umaabot sa isang oras o higit pa ang gugugulin mo sa pagpila pa lamang. Kaya naman kinakailangan nating habaan ang ating pasensiya.


Samantala, isang customer ang hindi marunong magtiis at hindi makaintindi sa sitwasyon ang umani ng galit mula sa mga netizens sa social media.

Sa Facebook post ni Shiela Tibay, isang customer umano ang nagcancel ng kanyang order na nagkakahalaga ng 7 thousand pesos.


Kinilala ang Angkas rider na si Kuya Aldwin. Ayon sa post, matiyaga umanong pumila ang rider dahil willing to wait daw ang customer.

Ngunit nang matapos na nitong mabili ang order at handa ng ideliver ay bigla naman itong kinancel ng customer.

Ang nakakalungkot pa nito ay hindi na umano pwedeng i-refund ang mga binili niya sa Mercury Drug Store.




Dahil dito ay walang nagawa si Kuya Aldwin kung hindi umuwi dahil wala na umano siya perang magagamit pang puhunan sa mga susunod na order.

Sya po si Kuya Aldwin, angkas/grab rider may umorder daw po sa kanya na worth 7k tapos kinancel lang po ng costumer.

Nagtyaga si kuya na pumila ng mahaba at matagal tapos hindi pa maibabalik yung puhunan nya, wala na tuloy sya pang byahe, luging lugi si kuya hindi na pwede ibalik sa drugstore yung nabili nya.


Kawawa naman.. para sa pamilya pa naman nya yung puhunan nya tapos lockdown na nga… Naghahanap buhay ng marangal tapos pinagtripan lang ng walang kunsensya. Paki Share na lang po para matulungan natin sya na maibalik ang puhunan nya at makasuhan ang costumer…”
- saad ng netizen

1 comment:

  1. pede naman ipalit ng ibang product worth of what he purchased,mga walang puso ang nag kakansela ng mga order,diba nila niisip ang pagod,hirap at haba ng pila di sana bago nabili nag kansela na sila...

    ReplyDelete