any

Anak, Ibinenta ang kaniyang Art Work para matulungan ang kanyang ina na may Mild Stroke


Anak, ibinenta ang mga art work para tulungan ang kanyang ina na nasa ospital dahil sa Mild Stroke.

Viral ngayon sa Social Media ang kahangahangang obra ni Ritzel Obreque Oyao mula sa Bansalan, Davao del Sur.



Kwento ng binata, wala raw syang balak ibenta at pagkakitaan ang kanyang mga art work dahil bahagi daw ito ng kanyang portfolio. Ngunit kailangan nya itong ibenta para pandagdag sa gastusin sa ospital ng kanyang ina.



Nabenta naman nya agad ang kanyang mga art work na gawa sa charcoal at graphite pencil sa loob lamang ng dalawang araw, Umabot ng 30,000Php ang halaga na nalikom nya sa pagbenta ng mga ito.

Lubos naman ang pasasalamat ni Ritzel sa lahat ng bumili at tumulong sa kanila at sa mga nagdasal sa agarang paggaling ng kanyang ina.

1 comment:

  1. Masuwerte sa u ang mama mo kc ngkaroon cxa ng anak na tulad mo sana pgpalain ka palagi ng dios godbless sana gumaling ang mama

    ReplyDelete