any

Amo, Hinanap ang kanyang Empleyado para ibigay ang natitirang Sweldo at Advanced 13th month pay nito


Amo ng isang kumpanya, hinangaan dahil hinanap pa nya umano ang kaniyang trabahador upang ibigay ang natira nitong sweldo at ang advanced 13th month nito.

Mula daw nung nag-lockdown simula Marso, di nya na nakitang bumalik ang kanyang tauhan upang kunin ang natitira nitong sahod.

Kaya hinanap nya ito sa isang liblib na lugar para maiabot ng personal ang natitirang sweldo at ang advanced 13th Month nito.

Ayon sa post ni James Voltaire Carson, mula nung tumigil ang operasyon ng kanilang kumpanya ay di na sila nagkita ng utility man na si Noel.

"Since March 17, nung nag-stop kami ng operations dahil sa ECQ ay hindi ko na sya nakita. hindi nya nakuha ang sweldo nya at ngayon nag-release kami ng advanced 13th month pay hindi nya pa rin nakuha"- ayon kay James Carson

Nag-alala si James na baka walang kakayahan ang kanyang trabahador upang makuha nito ang kaniyang sweldo dahil mula pa ito sa malayong probinsya at hindi sanay sa syudad at wala pa itong cellphone.

"Medyo nag-alala ako kasi baka wala talaga syang way na maka byahe, kasi sa totoo lang ay taga probinsya sya at hindi sya sanay dito sa siudad at isa pa wala syang cellphone"- dagdag nya


Tuwang tuwa si james ng makita nya ang kanyang trabahador na nasa maayos na kalagayan. Masayang-masaya naman si Noel ng makita nya ang kanyang amo at ibinigay sa kanya ang kanyang natirang sweldo at ang kanyang 13th month pay.

2 comments:

  1. Ganyang amo ang dapat tularan ng Iba..my pagmamalasakit sa knyang mga trabahador...god bless po sir Amo.

    ReplyDelete
  2. God bless sa inyo Sir ..dapat kang hangaan dahil sa malasakit mo sa iyong trabahador. Mabuhay po kayo!!

    ReplyDelete