any

Aiko Melendez, Nagsampa ng kaso laban sa Paninirang-Puri sa kanyang anak


Sinampahan ni Aiko Melendez ang isang netizen na naninirang-puri sa anak nyang si Andre Yllana.

Ginawa nga ng aktres na si Aiko Melendez ang banta nyang sasampahan nya ng kaso ang naninirang-puri laban sa kanyang anak.


Kahapon ay personal na nagpunta sina Aiko, Andrei at ang nobyo ng aktres na si Jay Khonghun sa Cybercrime Division ng Criminal Investigation and Detection group (CIDG) sa Camp Crame sa Quezon City upang magsampa ng reklamo laban sa naninira sa kanyang anak na si Andrei.


Natukoy na din daw nila ang pagkakakilanlan ng Twitter user na naninira sa kanyang anak at tinawag ito ni Aiko na "crazy pervert".

Matatandaang nitong Lunes ay nagpahayag ng galit si Aiko laban sa Twitter user na may handle name na @jakolinks, dahil sa claim nitong mayroon siyang hawak na sex video scandal ni Andre at ia-upload niya ito kapag umabot sa 25,000 ang kanyang followers.


Hinamon ni Aiko na ilabas ng netizen kung mayroon nga itong hawak na video dahil kung wala ay magsasampa sila ng reklamo.

Una nang itinaggi ni Andre na may sex video ito dahil sa katunayan ay virgin pa siya.

No comments