any

70-Anyos na Ginang, Nakapagtapos ng Kolehiyo


Pinatunayan ng isang Ina na 70-anyos na hindi pa huli ang lahat para makamit ang kanyang inaasam na makatapos ng kolehiyo.

Natapos ni Rosa MacDonald-Burns, ina ng apat, ang kanyang bachelor’s degree in applied technology sa Brazosport College nitong Hunyo 13, ayon sa KPRC.

Dahil sa COVID-19 pandemic, online commencement muna ang idinaos ng kolehiyo para sa nanay at kanyang batchmates.


Naghanda naman ang mga kaanak at kaibigan ni MacDonald-Burns ng maikling video ng kanilang mensahe sa kanyang pagtatapos.

Nasa likod ng nasabing sorpresa ang isa niyang anak na si Herbert na ibinahagi rin ang video sa Vimeo.

No comments