any

1.3 million 4Ps beneficiaries, makakatanggap din ng SAP' ayon kay DSWD Undersecretary Rene Glen Paje


Makakatanggap ng emergency subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ang nasa 1.3 million beneficaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na nakatira sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) areas.

Ayon kay DSWD Undersecretary Rene Glen Paje, tulad ng first tranche, ang mga benepisyaryo ng 4Ps ang unang makakatanggap ng cash aid lalo na at sila ay dumaan na sa deduplication process.


Dagdag pa ni Paje, naghahanda na rin sila para sa payout ng karagdagang 5 million “waitlisted” beneficiaries.

Nagpaalala muli siya sa mga lokal na pamahalaan na tukuyin ang mga kwalipikadong benepisyaryo sa kanilang nasasakupan na hindi pa nakakatanggap ng ayuda.

Hinihikayat ng DSWD ang mga qualified beneficiaries na hindi pa nakakatangap ng unang tranche na sumadya sa kanilang local social welfare and development offices para maisama sila sa programa.

7 comments:

  1. unfair kau sa pamimigay ng ayuda d lhat ng gcq nakapg cmula na mgwork my iba oo paano ung dpa rin nakakapgwork,,isabela wla ng matatanggap ngyn back to ecq ibang lugar samin dahil sa mga balik probinxa na ngpositive

    ReplyDelete
  2. Sna po kht gcq n dto sa isabela bgyn neo p rn ng 2nd wave kc mhrap p dn po kumita ng pera. Thnx po

    ReplyDelete
  3. bkit puro 4ps nlng ang na uuna.samantalang kmi n apiktado s no work no pay hnggang ngaun nga ngahan..

    ReplyDelete
  4. Kaya di natututong magtrabaho yang mga yan kasi inaasahan nalang lagi ang bigay ng Gobyerno eh pano nalang kaya Kung lahat ng tao di magtrabaho mabibigayan name rin ba?

    ReplyDelete
  5. Dapat po strict implementation ng guidelines ng LGU at DSWD ..fair validations ng mga karapat dapat na benificiaries sa SAP.

    ReplyDelete
  6. Sana po mabigyan din kahit GCQ na dahil di naman lahat nakakapag trabaho agad syempre kelangan din ng panimula ng mga tao...

    ReplyDelete
  7. cam,sur Po,wala,member din ng 4pis,bakit wla kami natanggap, Dina man kami agad nakakatrabaho,lalot wala nman kami permamenting trabaho.

    ReplyDelete