any

Watch! Tapat na Taxi Driver nagbalik ng bag na may lamang P1 milyon!


Hinangaan ang isang taxi driver mula Butuan City dahil hindi ito natukso sa malaking halaga ng perang naiwan sa loob ng kanyang minamanehong taxi.

Ayon sa taxi driver na si Christian Estrada, isinakay raw niya ang mag-asawang pasahero sa isang hotel noong Marso 12 upang ihatid sa bus terminal.

Kwento ni Estrada, naiwan ng mag-asawa ang backpack na may lamang pera pagbaba nila ng taxi. Hindi rin umano napansin ni Estrada ang naiwang bag. Napansin na lamang niya ito nang bumaba siya upang bumili sa isang tindahan.


“Wala sila kabantay ako pud wala may gani nihapit kog tindahan kay naa koy gipalit pagbalik nakog sakay nasiplatan nako ang bag,” kuwento niya.

[Hindi nila napansin, hindi ko rin napansin ang bag. Pagkahatid, dumaan muna ako sa tindahan para bumili. Pagbalik ko sa sasakyan, nakita ko ang naiwang bag.]

Hindi na umano nagdalawang isip si Estrada na ibalik ang naiwang bag kaya dumiretso siya sa presinto upang personal na maisauli sa mag-asawa ang kanilang pera.


Ayon sa mag-asawa, gagamitin umano nila ang pera para magpagawa ng kanilang bahay.

Ipinagmalaki naman ng chairperson ng BALTRANSCO- isang taxi service cooperative sa Butuan City, na si Juanito Ubas ang ipinamalas na kabutihang loob ni Estrada.

[Laking pasasalamat namin na may driver kaming kagaya niya. Na-surprise talaga ako sa ginawa niya.]

Aniya, sana lahat ng tsuper, hindi lamang ng mga taxi, ay maging katulad ni Estrada kapag naharap sa kaparehong sitwasyon.

[Sana lahat ng drivers, hindi lang sa taxi, kundi sa lahat ng units, sana kagaya niya rin ang tugon[kapag naharap sa parehong sitwasyon.]


Source:Facebook

No comments