any

Watch! Francis Leo Marcos, CEO ng Marcos Group' hinikayat ang mayayamang kapit bahay na tumulong!


Isang mayaman na businessman ang nag viral sa social media matapos nitong labagin ang panuntunan ng isang super-exclusive subdivision sa Pasig City.

Sa kanyang Facebook live, ipinakita ni Francis Leo Marcos, CEO ng Marcos Group, ang kanyang bahay at mga ilang magagarang sasakyan.

Francis Leo Marcos Wiki, Biography, Age, Net Worth, Wife, Family

Ipinakita rin niya ang naglalakihan at tila mga mansion ng kanyang mga kapitbahay.

Ayon kay Marcos, ang kaharap ng bahay niya ay pagmamay-ari umano ng isang politiko na maraming ipinangako sa kanyang mga kababayan ngunit wala namang nagawa.

Ginamit ni Marcos ang kanyang sasakyan upang maglibot sa kanilang subdivision at bumubusina upang magising ang kanyang mga kapitbahay.

“Hoy gising kayo diyan, tulong tayo sa mga kababayan natin, tulong na, tulong na, tulog tulog kayo,” sabi ng businessman.

Aniya, labag umano sa panuntunan ng subdivision ang kanyang ginagawang pag-iingay. Ngunit ginawa niya ito upang kumbinsihin ang kanyang mga kapitbahay na tumulong.

Dagdag nito, kakausapin niya ang admin sa subdivision nila upang maglabas ng memorandum na nagsasaad na kailangan nilang tumulong sa mga taong apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Marcos, lahat ng nakatira sa kanilang subdivision ay mga elitista at bilyonaryo.

“Para sa mga kapitbahay ko dito sa subdivision, para sa akin makasarili kayong lahat, kayong mga hindi tumutulong sa ating mamamayan,” sabi niya.

“Violation po yung aking ginawa na businahan ko yung mga bahay bahay para gisingin sila, pero wala po akong pakialam,” dagdag nito.

Bago matapos ang kanyang video, sinabi ni Marcos na karamihan sa kanyang mga kapitbahay ay wala talagang pakialam sa mga tao dahil wala umano silang makukuhang kapalit.

“They’re don’t after political power, they’re after for economic gain, yun po yung totoo niyan, if they can sabotage the economy they will because they’re big player” sabi ni Marcos.

Si Marcos ay nakilala sa social media matapos nitong magsagawa ng mga tulong sa mga taong nangangailangan sa gitna ng krisis na kinakaharap ng ating bansa.

Panoorin ang kanyang video:



Source:Facebook

6 comments:

  1. Good job bossing francis leo Marcos malaking tulong po ang nagawa nyo.

    ReplyDelete
  2. More power to you sir I salute you.

    ReplyDelete
  3. Ilabas nyo ung mga tinatago nyong pera,,para makatulong nmn kayo s mga nangangailangan ngbtulong nyo ngayon...hndi nyo madadala yn s hukay...

    ReplyDelete
  4. Di po nila pwd ilabas mga sir
    Inaantay po nila bumaba stock market,para mkapag invest n nman ulit.
    Kahit billion dollar pa pera natin, kong impyerno nman bagsak wala din.
    Ephesians 2:8-9
    For by grace through faith you are been saved,not of your daily works. So that no one can boast

    ReplyDelete
  5. tulungan nio nmn yong yong mga nsa ibng lugar n probinsta gaya ng Romblon

    ReplyDelete
  6. kaming mga hindi nakatanggap ng ayuda galing sa gobyerno sana nmn sir francis kmi ung thlungan nio dto sa malate....ung mag nangungupahan n d nkatikim ng limang kilong bigas putek n yan

    ReplyDelete