any

Batang nagsusumikap makapagtapos ng pag aaral kahit isa ang paa.humihiling na magkaroon ng artificial na paa.


Madalas nating naririnig sa mga tao na nakapaligid sa atin na ang edukasyon ay ang isang bagay na kailanman ay hindi manan4kaw sa atin ng kahit sino. Wala ring kahit anong materyal na bagay dito sa mundo ang makakatumbas nito. Ang edukasyon din ang siyang nagtutulak sa atin para tayo ay magkaroon ng magandang kinabukasan sa hinaharap.

Naging usap-usapin sa social media ang batang babae dahil sa sipag at determinasyon nito na makapagtapos ng kaniyang pag-aaral. Kahit pa nga ito ay pinanganak na iisa lamang ang binti at nahihirapan sa paglalakad, hindi ito naging hadlang para sa estudyante na abutin ang kaniyang mga pangarap sa buhay.


Ang batang babae na kinilala sa pangalang Jean Arija Daipal na mula naman sa Toboso, Negros Occidental ay nagbigay ng inspirasyon sa marami dahil sa pagiging pursigido nito sa pag-aaral. Nais din daw maging isang doctor ni Jean balang araw nang sa gayon ay matulungan niya rin ang mga mayroong kapansanan katulad niya.


Ang kwento naman na ito ni Jean ay ibinahagi ng school Principal ng kanilang paaralan na si Junar T. Mahilum sa kaniyang Facebook account. Ani Junar, siya ay humanga kay Jean dahil sa sipag at determinasyon na mayroon ito dahil kahit may kap4nsanan, hindi niya ito ginawang hadlang para hindi ipagpatuloy ang pag-aaral at makapagtapos balang araw.


Mas humanga rin ang netizens kay Jean dahil kahit pa man iisa lamang ang kaniyang paa, nagagawa pa rin nitong makapasok sa paaralan kahit apat na kilometro pa ang nilalakad niya para lamang makarating sa paaralan at matuto.

Noong graduation day naman, tanging hiling lamang ni Jean na sana ay magkaroon siya ng isang artipisyal na paa balang araw nang sa gayon ay makapaglakad na siya ng maayos para makapunta sa paaralan.

Marami naman sa mga netizens ang nais magpahatid ng tulong para kay Jean habang ang iba naman ay iminemention ang ilang mga programa na sa tingin nila ay makakatulong kay Jean at mabibigyan ito ng artipisyal na paa.

source:facebook

No comments