any

Tapat na Taxi Driver nagsauli ng perang nagkakahalaga ng P175,000.


Viral ngayon ang taxi driver na ito dahil sa kanyang katapatan dahil sa pagsauli niya ng malaking halagang salapi sa mag asawang German na minsan niyang naisakay sa kanyang taxi.

hindi nagdalawang isip ang taxi driver kahit pa mahirap ang kanilang buhay at mayroon siyang limang mga anak.ayon sa ilang mga ulat sumakay ng Wilcon Depot papuntang City Scape Residences ng Bacolod ang mag asawang foreiner.ang kahanga hangang driver na nakilala sa pangalang Jhowny Camolista ang nakapansin sa naiwang bag ng mag asawa na naglalaman pala ng malaking halaga ng salapi at ilang mga importanteng dokumento.




Hindi naman nagdalawang isip si Camolista at inihatid niya kaagad nang hapon ding iyon ang naturang Bag sa Bombo Radio Bacolod, nabalitaan naman ito kaagad ng mag asawang German national at laking tuwa nila nang muling maibalik sa kanila ang nawalang pera at gamit.

Ang mag asawang German ay nakilala bilang sina Thomas Schick 71 taong gulang at si Jutta Schick 57 taong gulang.naibalik sakanila ang pera na umabot sa halos 175,000 at 50 USD.nagbigay ang magsawa ng halagang 5,000 bilang gantimpala sa katapatan ng taxi driver.ayon sa mag asawa ay halos anim na buwan na rin silang naninirahan sa Sipalay.natutuwa sila at marami na silang nagiging kaibigan na mga Pilipino at iniisip na rin nila ang manirahan ng permanente sa Bansa.

Nakatira ang taxi driver sa E.Lopez, Silay City siya ay 48 taong gulang.

No comments