any

Supportive' Kuya na' nanahi ng ball gown para sa kapatid na dadalo ng JS prom Viral ngayon!


Tinupad ng isang kuya sa Zamboanga City ang pangarap ng nakababatang kapatid matapos niya itong tahian ng engrandeng ball gown para sa dadaluhang junior-senior (JS) prom.

Kuwento ni Maverick Francisco Oyao, siya ang naging fashion designer ng bunsong si Keanna bunsod ng kakulangan sa budget sa pagbili o pagrenta ng gown.


Aminadong nahirapan ang binata sa paggawa dahil wala siyang karanasan sa pananahi.



Pero sa tulong ng online video at matinding dedikasyon, nakapagdisenyo at natapos niya ang magarbong kasuotan, ilang araw bago ang JS prom.


Ayon kay Maverick, gusto niyang pagbigyan si Keanna dahil huling taon na nito sa high school.

Para sa loving kuya, si bunso pa rin ang the best sa buong mundo kahit hindi ito tinanghal na best dress sa nasabing okasyon.

source:rmn

1 comment:

  1. Wow! This is an amazing design,, kudos to you kuya,, may your work of art be known to many,, God bless you,, :)

    ReplyDelete