any

Pinaka matandang tao sa buong mundo ibinahagi ang kanyang sikreto sa pagkakaroon ng mahabang buhay.


Nakatanggap ng magandang regalo mula sa Guinness World Records ang itinuturing na pinakamatandang lalaki sa buong mundo.

Hinandugan ng isang sertipiko noong Miyerkules, Pebrero 13 si Chitetsu Watanabe sa kanyang tinutuluyang nursing home sa Japan, kung saan nakasaad ang kanyang edad na 112 taon, 344 araw.


Nang makapanayam si Watanabe noong nakaraang taon, ibinahagi nito na ang sikreto umano sa pagkakaroon ng mahabang buhay ay ang pagiging palangiti at hindi pagiging magagalitin.


Ipinanganak si Watanabe noong Marso 5, 1907 at panganay sa walong magkakapatid.

Nagtrabaho siya sa kumpanya ng mga asukal bago siya lumipat sa isang Japanese agriculture office bago siya magretiro.

Isa rin siyang kasapi ng militar noong 1944 bago matapos ang World War II.

Nang tumanda ay naging abala sa pagiging isang hardinero si Watanabe kung saan nakapagpatubo rin siya ng mga bonsai trees hanggang taong 2007.


Samantala, ang pinakamatandang tao naman ay matatagpuan din sa Japan sa edad na 117 nito lamang Enero ngayong taon.

Siya si Kane Tanaka na isinilang naman noong Enero 2, 1903.

source:rmn

No comments