Masipag na Estudyante hinangaan ng Netizen dahil sa kanyang Dedikasyon na pagsabayin ang pag aaral at pagtitinda ng basahan!
Ang ibang estudyante naman ngayon ay gumagawa ng paraan upang malagpasan ang pangangailangan sa eskwela upang makapagtapos sa pag-aaral.
Ang mas nakakuha ng kanyang atensyon ay ang sabihin ng bata sa driver na kung maaari ay basahan na lamang ang kanyang ipambayad dahil wala pa itong pamasahe.
Estudyante: Manong! Magkano po yung pamasahe hanggang libis po?
Driver: Otso
Estudyante: pwede po bang basahan na lang?
Driver: Sige
Lalaking pasahero: Ay sige ako na *sabay kuha ng pera sa bulsa*
Estudyante: ay, salamat po!
Driver: ay sige wag na.
Estudyante: salamat po!
Lalaking pasahero: Magkano ba yang basahan?
Estudyante: Sampo lang po.
(Binigyan ng bente pesos ng lalaki)
Estudyante: Wala po akong panukli
Lalaki: Sige iha, sayo na yan wag mo na ako suklian.
Estudyante: salamat po!
Babaeng pasahero: magkano yan ineng?
Estudyante: sampo po.
Babaeng pasahero: O ito, sayo na yan *Binigyan ng bente*
Gayun pa man, may isang pasahero pa ang kumausap sa estudyante kung saan ito nag-aaral at napag-alaman na sa Tala High School bandang Caloocan ito nag-aaral at ang kanyang mga magulang ay nagtitinda rin ng mga basahan.
Maraming netizens ang naiiyak at naging inspirasyon ang batang ito dahil sa kanyang kasipagan at determinasyon makapag-aral at ang kagandahan pa roon ay sobrang galang ng bata na ito kaya ang mga pasahero ay naantig ang kanilang mga puso pati na rin ang mga netizens.
Mabuhay ka sana pag palain ka nga poong may kapal na makapagtapos sa pag aaral.
ReplyDelete