Mabuting Puso" Vlogger, nagregalo ng e-bike sa Grab Food rider na may kapansanan!
Sa kabila ng kapansanan, patuloy sa paghahanap-buhay ang 47-anyos na si Kuya Joy para sa kanyang pamilya.
Nang malaman ang kanyang kwento, hindi nagdalawang-isip ang the Hungry Syrian Wanderer na bigyan si Kuya Joy ng automatic na bisikleta para hindi na nito kailangang magpedal.
Saad niya sa Facebook post, “Surprising one-legged Bicycle “GRAB FOOD Bicycle RIDER” an E-BIKE of his own!”
“Imagine guys, pedalling his bicycle with one foot and his metal stick hanging on his other leg. Basta gusto may paraan, pag tamad laging may dahilan,” sabi niya.
Dagdag niya, may mga tao pa ring kagaya ni Kuya Joy na handang magkasrpisyo sa kabila ng sitwasyon para makatulong sa pamilya.
Nilinaw naman ni Manadil na walang kinalaman ang brand ng biniling bisikleta dahil naghanap umano sila ng pinakasasakto at susuwak para rito.
Samantala, marami ang muling humanga sa kabutihan ni Manadil na nakilala na rin na may pusong nagbibigay.
“You are really one of a kind LODI Basel!!!You’re gestures for the poor and less fortunate are well appreciated, Basel.You are one of my IDOL!!! Hope to see you soon, Basel,” saad ng isang nag-komento.
Isa raw pagpapala si Manadil dahil sa kabi-kabilang pagtulong nito sa mga mahihirap.
“Such a big heart to the needy. You are raised well by your parents and surely they are so proud of having you as their son. May Allah bless you more since you are a big blessing to others,” sabi naman ng isang netizen.
Umabot na sa 28K likes, 2.7K shares at libu-libong komento ang natanggap nito sa social media.
Sana isang araw makasalubong kita Basel napakabait mo kahanga hanga ka s iyong kabutihan kahit n dka tlga pilipino pero pusong pinoy ka sana lalo kang pagpapapalain ng Dios kc marami ka nang natutulungan sana yung mga mayayaman n dito s bansa nten e maging katulad mo ang kalooban Gid bless u more Basel idol
ReplyDeleteProud n proud shro ang mga magulang mo..❤❤❤❤❤❤❤