any

"Chinese national na dumura at binastos ang security guard at crew sa McDonalds" Nahuli na!


Inaresto ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD- SMaRT) ang isang lalaking Chinese national matapos dumura at bastusin ang mga crew at security guard ng isang fast food chain sa Masangkay Street, Tondo, Maynila.


Nakilala ang nadakip na si Jinxiong Cai alyas Willy Choi, 35-anyos, isang negosyante at residente ng Orchard Garden sa Masangkay Street sa Tondo.


Nabatid na ipinag-utos mismo ni Manila Mayor Isko Moreno ang pag-aresto sa suspek matapos na mag-viral sa social media ang video na kuha ng isang netizen.

Makikita sa nasabing video na nagagalit si Choi dahil sa naiinip ito sa kaniyang order kaya panay ang dura nito sa loob ng McDonalds.

Pinigilan naman ito ng guwardiyang si Alejandro Natividad maging ang mga crew ay pinapahinahon ito pero lalong nagalit ang suspek.

Napag-alaman din na bago pumasok si Choi sa nasabing fast food chain, pinagtutulak din nito ang nakaparadang dalawang motorsiklo kaya nagkaroon ng damages.

Mismong sa kaniyang unit dinakip ang suspek na nahaharap ngayon sa reklamong Grave Scandal, Unjust Vexation at Malicious Mischief.

No comments